Di Patitinag Kay Pokwang, Lee O'Brian Naghain Ng Counter Affidavit!...


 

 Ex-husband ng komedyanting si Pokwang na si Lee O'Brian umalma, at hindi daw magpapatinag kay Pokwang.


May naging pagtugon na din ang American actor na si Lee O'Brian sa petisyon na inihain ni Pokwang para ma deport pabalik ng America si Lee.


Nitong June 26,2023 ay naghain ng counter affidavit ang abogado ni Lee O'Brian sa Bureau of Immigration bilang pagtugon sa na unang petisyon na inihain ni Pokwang upang siya ay ma deport pabalik ng America.


Ngunit iginiit ni Lee O'Brian na mahal niya umano ang anak nila ni Pokwang na si Maliya at lageh niya raw inu una ang kapakanan ng bata.


Sa isang exclusibong panayam, kay Lee O'Brian ay ipinakita niya ang mga dokumento na siyang ginamit nila sa paghahain ng counter affidavit at kanya itong ipinahayag.


Aniya sa interview, "You know what I'd like to say is first of all, above everything, I always have respect for the mother of my child."


"Second of all, because this is kind of a quasi-judicial issue for the bureau of Immigration, I can't comment on details."


"But I want to say something that from the beginning, throughout until today and beyond, from here on out, I always put the best interest of my daughter first. I love my daughter more than anything."


Ayon pa kay Lee O'Brian ay hindi na muna siya magbibigay pa ng ibang mga detalye dahil sa naka file na ito.


Ang nais lang naman daw sana ni Lee ay ang protection niya at ang kapakanan ng anak nilang dalawa ni Pokwang na si Maliya.


At ngayong nasa Bureau of Immigration na ang mamahala ng desisyon ay hiling lang ni Lee na sana daw ay maging patas ang ahensya ng gobyernong ito sa pagsusuri at pagiimbistiga para sa patas na hatol sa kanilang kaso.


Aniya, "And I'd like to say also, you know, given the fact that the complainant is very well known, widely known throughout this country and very,very influential, I am basically asking and pleading with the Philippines Goverment, and the Bureau of Immigration to look at my case, my deportation  case fairly and with justice according to the merits of the case."


Sa isang banda ay inamin din ni Lee na malaki ang respito niya sa ina ng kanyang anak. Bukod rito ay nagpasalamat din siya sa mga taong naniniwala sa kanya at sa hanggang ngayon na sumusuporta parin sa kanya.







 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma