Kulang nalang daw ay ipagtabuyan na ng GMA7 ang mga Jalosjos na nagmamay-ari ng TAPE incorporated na nagpalayas sa TVJ at ang mga Dabarkads.
Ito ay ayon sa isang balita na lumabas kamakailan, At hinihintay nalang daw ng CEO ng GMA na si Felipe Gozon na umayaw na ang show ng TAPE na revamp Eat Bulaga.
Marahil ang dahilan daw nito ay ang pagkalugi ng naturang network, dahil sa kawalan ng sponsor na pumapasok sa naturang noontime show ng mga Jalosjos.
Matatandaang sumama ang halos nasa 80% na mga sponsor ng Eat Bulaga sa TVJ sa nilipatan nitong network sa TV5.
Tulag nalang nga ng mga major sponsor ng mga ito na talaga namang nagpakita pa ng kanilang loyalty sa TVJ, gaya nalang ng Puregold at Hanabishi.
Ayon pa sa lumabas na balita na inaabangan na daw ngayon ng ilang mga executive ng GMA network na sumuko na ang TAPE incorporated ng mga Jalosjos sa pagpoproduce ng Eat Bulaga.
Upang ng sa ganun ay mapalitan na daw ito ng medyo malakas-lakas na show tulad nalang nga ng It's Showtime na nasa Gtv na pagmamay-ari din ng GMA.
Samantala, ayon naman sa kulumnistang si Cristy Fermin na may nakarating daw umano sa kanila na balita na isang executive daw umano ng GMA ang nagsabi na maaaring umalis daw umano sa network ang TAPE anu mang oras mula ngayon, kung hindi na sila masaya sa pumapasok na kita sa kanilang show.
Hanggang sa 2024 pa ang kontrata ng TAPE sa GMA network, subalit naghahanda na daw ang pamunoan ng GMA para sa posibleng pag-alis ng mga Jalosjos at hindi na rin daw umano sila maghahabol sa paglabag sa kanilang kontrata.
Samantala, binabayaran ng mga Jalosjos ang GMA network ng 57million pesos sa kada buwan bilang blocktimer sa kanilang noon time slot.
At sinasabi pa dito na sobrang humina ang mga pumapasok na advertizement sa kanilang noontime show mula ng kumalas ang TVJ sa pamamalakad ng mga Jalosjos.