TV host actor na si Jhong Hilario hinangaan ng mga netizens dahil bukod sa pagsisiskap na makatapos sa kolehiyo ay naging Magna Cum Laude pa ito.
Masayang ibinahagi ni Jhong Hilario sa mga netizens na sa wakas ay na tupad din niya ang kanyang pangarap at pangarap ng kanyang mga magulang para sa kanya.
Ito ay ang maka pagtapos sa kolehiyo at hindi lang basta nakapagtapos sa korsong political science ang Tv host kundi nakapagtapos pa siyang Magna Cum Laude sa Arellano University.
Sa edad ngayon ni Jhong na 46th ay tiniyak daw niya na matutupad niya ang kanyang mga pangako sa kanyang mga magulang at ito ay ang makapagtapos sa kolehiyo.
Kaya naman talagang sobrang proud na proud siya sa kanyang panibagong achievement na nakamtan sa kanyang buhay na talagang kanyang pinagsikapan at pinagpaguran.
Kahit na nga sa sobrang busy niya sa kanyang trabaho ay nagawa parin niya ang makapagtapos ng maayos.
Pahayag ni Jhong sa naging panayam sa kanyang ng ABS-CBN, "Ito ang bayad utang ko sa mga magulang ko, lahat ng parents gugustohing makitang makatapos sa pag-aaral ang mga anak nila, ang lahat ay ginagawa nila nagtatrabaho sila ng marangal para makapag-aral ang mga anak."
Dagdag pa niya, "Heto na yun kahit late na at the age of 46 at least buhay pa ang parents ko."
Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga kagaya niyang nangarap na makapagtapos sa pag-aaral.
Aniya, "Sa lahat ng gustong makatapos sa pag-aaral kahit late na katulad ko, mayroon talagang pagkakataon, may roon talagang paraan para gawin ito, kahit na sobrang busy tayo, time management lang, for me napaka eksi ng buhay para walang gawin eh."
Si Virgilio Viernes Hilario Jr., na kilala bilang Jhong Hilario, ay isang Pilipinong artista, dancer, host ng telebisyon, at politiko. Siya ay bahagi ng Filipino dance group na Streetboys. At Kasalukuyan siyang nagsisilbing konsehal ng 1st district ng Makati simula pa noong 2016.