Mga fans at tagasuporta ng singer actress na si Julie Anne San Jose, nakiusap kaina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na na wag na sanang gatongan pa ang iringan sa pagitan ng mga Fans nina Jolina at Julie Anne matapos pagtalonan ng mga ito ang titulong Pop icon.
Nag-ugat kasi ang issue na ito matapos na ibigay kay Julie Ann ang titulo bilang coach ng The Voice Generations na malapat ng mapanood sa GMA7.
Ang magiging host naman ay sa nasabing show ay ang Tv host actor na si Dingdong Dantes.
Makakasama ni Julie Anne sa The Voice Generation bilang mga Coach sina Billy Crawford, Chito Meranda, at ang isang membro ng sikat na k-pop group ngayong SB19.
Samantala, ayon naman sa ilag mga fans ni Jolina na, ang tunay raw na pop icon ay ang idulo nilang si Julie Magdangal.
Dahil sa tumatak daw mula noon hanggang ngayon ang impluwensya nito mula sa musika, teleserye, pelikula at pagdating sa fashion.
Samantalang, si Julie Anne raw ay niisang kanta ay walang tumatak, at hindi rin daw naman markado ang kanyang fashion style.
At wala parin naman daw siyang pelikula na hanggang ngayon ay patuloy na naaalala, saka lang naman daw siya napansin dahil sa serye na Maria Clara at Ibarra.
Ngunit hindi naman daw siya ang pangunahing bida sa serye na ito dahil mas sumikat sina Barbie Forteza at David Licauco sa teleserye na ito.
Kaya naman dahil nga sa bardagulan ng kanilang mga fans sa social media ay pinalitan na lamang nga Pamunuan ng The Voice Generation ang tawag kay Julie Anne at tinawag nalang siyang the The Limitless star dahil ito naman talaga ang bansag sa kanya noon pa.