Mangingisdang Pinoy Nakatanggap Ng “Standing Ovation” Sa Agt!

 



Humahakot ngayon ng papuri hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na din sa ibang bansa, ang isang Pinoy na Cebuano singer na si Rolando Abante.


Ito ay matapos niyang pa bilibin ang mga taga ibang bansa sa kanyang galing sa pagkanta.


Itoy patunay lang na pagdating nga sa pagpapamalas ng mga talento ay hindi magpapahuli ang mga Pilipino.


At pinatunayan nga ito ng isang mangingisda at habal-habal driver na mula sa Cebu na si Rolando Abante.


Nakatanggap ng standing ovation si Rolando mula sa audience at sa mga hurado ng America's Got Talent, matapos niyang ipamalas ang kanyang galing sa larangan ng musika.


Ito ay kanyang naipakita sa buong mundo, ng siya ay mag audition at umawit sa America's Got Talent nitong kamakailan.


Samantala, bago magsimulang umawit si Rolando ay ininterview muna siya ng mga hurado, kung ano ang kanyang trabaho at kung bakit siya nag-Audition sa AGT.


Sagot naman ni Rolando sa tanong na kung anu ang kanyang kasalukuyang pinagkakakitaan ngayon.


Aniya, "Isa daw siyang mangingisda sa umaga at driver naman ng habal-habal sa tanghali. At umaawit lang daw siya sa mga video okey ng kanyang mga kapit bahay."


At nang tanongin naman kung bakit siya sumali sa AGT, ay naging emosyonal naman si Ralando at sinabi niya na napapanood niya lang daw ito sa kanyang cellphone, at na ngarap daw siya na sana isang araw ay makasali rin siya doon.


Saad ni Rolando, "This is my big dream" at ng magsimula ng kumanta si Rolando ay nagsimula na ding magpalakpakan ang audience."


Dahil sa paghanga sa galing at ganda umano ng boses ni Rolando Abante.


Samantala, komento naman ni Heidi na isa sa mga hurado ng AGT, "I don't think you could have done it better. Mic drop, you left it all on that stage, you were amazing. You should very proud of your self."


Komento naman ni Sofia, "I have a feeling your gonna stop fishing beacause this is where you needed to be,"


Maganda naman ang naging komento ni Simon, na siyang paboritong hurado raw ni Rolando, "You were so nervous, I genuinely thought for one moment, you were not able to get to do this."


Dagdag pa nito, "And then that happened. It made me like this audition even more. And it actually made me love this audition even more."


Kasunod naman na nagkomento ay si Howie aniya, "I think Simon is absolutely really right. It's the emotions and we could feel your heart. And I think every body just heard a life changing moment."


Matapos nga ang mga naging komento ng mga hurado ay isa-isa na silang bumuto at doon na nga nakatanggap si Rolando ng Apat na yes mula sa mga hurado ng America's Got Talent.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma