Walang kimi-kimi na pinuna ng social media Influencer at motivational speaker na si Rendon Labador ang naging post ng aktor at Tv host na si Buboy Villar.
Sa naging post kasi ni Buboy Villar sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang kanyang bagong biling sasakyan.
Dito nga ay ibinandera ni Buboy Villar na sa wakas ay na kamtan na raw niya ang isa sa kanyang pinapangarap at ito ay magkaroon din ng isang mamahaling sasakyan.
Sa kanyang post nga ay tila inilarawan pa ni Buboy na bunga ito ng kanyang pagpupursigi at pagsusumikap sa buhay kaya nakabili siya ng sasakyan.
Caption naman ni Buboy sa kanyang post, "Dating pangarap ngayun natupad walang imposible pag may dasal at tyaga 🫶 Salamat po sa mga solido 🙌"
Tila ang sasakyan nga na ito ni Buboy ay ang katas ng kanyang pagsusumikap sa showbiz. At inamin din niya sa mga netizens na kailangan nga raw niya na bumili ng ng sasakyan dahil sira na raw ang kanyang sinasakyang motor na gamit niya sa trabaho.
Ngunit tila hindi naman ito nagustohan ng motivational speaker na si Rendon Labador at deritsahang pinuna si Buboy Villar sa Comment section ng kanyang post.
Komento ni Rendon sa post ni Buboy, "Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"
Ang tinutukoy nga ni Rendon na Questionable na pagpili ng contestant ay ang pinakabagong segment ng Eat Bulaga na Pinaka.
Na pansin kasi ng ilang netizens na kilala ni Buboy Villar ang isang contestant sa segment na ito at dito nga ay nagpanggap si Buboy na hindi niya kilala ang taong ito..
Ngunit napatunayan ng netizens na kilalang kilala ni Buboy ang nasabing contestant dahil ito ay ang assistant ni buboy sa isa sa negosyo ni Buboy Villar.
Kaya naman ang ibig sabihin ay nanloloko ang programa nila, dahil iyun nga kilala naman kasi ni Buboy ang isa sa mga nakuha nilang contestant, pero doon ay nagpanggap sila na hindi nila kilala ang isa't isa.
Kaya naman inulan si Buboy ng mga pambabatikos mula sa mga taga subaybay ng programa.