Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng TV5 na pinaalis nila ang It's Showtime para palitan ng bagong noontime show ng TVJ .
Wala naman daw ibang issue ang It's Showtime sa kanilang paglipat dahil sa patapos narin naman daw ang kontrata ng It's Showtime sa TV5.
Dito nga ay ipinaliwanag ng CEO and President ng mediaquest na si Jane Jimenez Basas na matatapos na nga ang kontrata ng It's Showtime ngayong katapusan ng buwan, bilang block timer sa kanilang network.
Matatandaang noong nawalan ng prankesa ng ABS-CBN at na sara ang kanilang pangunahing broadcast network sa TV at radio.
Pero to the rescue naman ang TV5 sa kanila at pumayag na magkaroon ng Blocktime deal sa ABS-CBN o puwedeng umere ang iba nilang show sa kanilang network.
At isa nga dito ay ang It's Showtime, pero ganun paman ay hindi nangangahulogan na pagmamay ari na ng TV5 ang It's Showtime.
Dahil sa nangungupahan lamang ang ABS-CBN sa TV5, para sa kanilang show.
Kaya naman deretsahang pinahayag ni Jane Basas na mas pinapahalagahan nila ang show ng TVJ sa kapatid network dahil sa masmatibay ang kasunduan nila bilang co owners ng bagong show na ito ng TVJ.
Pahayag ni Jane Basas, "I guess the difference is that the relationship with It's Showtime, and that contract is set to expired by the end of June, is a blocking time relationship."
"This time around, we are co-owners, co-investors in TVJ productions."
"Kasi produkto na namin, diba? So it just really makes sense from a business standpoint to put it in the timeslot that is best for it."
Ipinahayag din niya na inalok daw nila ang It's Showtime ng 4:30pm timeslot pero tinangihan daw nila ito.