Masakit Na Katotohanan! Eat Bulaga Ng TAPE Inc. Sa GMA7 Magtatapos Na! Lugi Wala Ng Nanonood!...

 


Isang masakit na katotohanan, ang pagbagsak ng Eat Bulaga ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos sa GMA7.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay hindi lang kasi nag-atrasan ang mga advertisers ng Eat Bulaga sa TAPE incorporated kundi humihingi din sila ng refund sa kanilang na iunang na ibayad sa TAPE na hindi pa na ipapaere.


Ayon pa sa isang source na mistulang isang ayuda ng gobierno na pinipilahan ngayon ang TAPE incorporated ng mga advertisers ngunit hindi para magpalabas ng kanilang mga komersyal kundi para bawiin ang mga pera nila na ibinayad para sa mga Ads na hindi pa ume-ere.


Kumuha pa raw mismo ng mga kanya-kanyang mga abogado ang mga advertisers para lamang mabawi ang kanilang ibinayad sa TAPE inc.


Hindi naman na kumpirma kung kasama sa naniningil ang Puregold, kasi matatandaang ibinulgar na nga ni Joey De Leon nitong kamakailan na nakapag-advance na nga ng bayad ang Puregold sa TAPE incorporated ng dalawang taon.


Ngunit sapag-alis ng TVJ sa TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos ay sumama din sa pag-alis ang halos sa 80 porsento na mga advertiser ng Eat Bulaga ng GMA7. 


Matatandaang nitong kamakailan lang ay pormal ng ipinakilala ng Puregol ang TVJ sa publiko na kanilang opisyal na endorser.


Sa ngayon ay kasalukuyan ng umu-ere ang bagong show ng TVJ sa TV5 at kasama na nga nila doon ang halos lahat ng advertisers ng Eat Bulaga ng mga Jalosjos.


Samantala, ayon pa sa isang source na kung mahina ang pasok ng mga ads sa isang programa ay maaari itong malugi at hindi na umire pa.


Maaaring malugi nga ngayon ang TAPE incorporated lalo na at hindi pa daw bayad ang GMA ng TAPE nitong nagdaang buwan ng June na nagkakahalaga  raw ng 57 milyon pesos tapos heto pa ang buwan ng July na another 57 million na naman.


Dagdag pa ng isang source na hinihintay nalang daw ng GMA 7 na humento na ang TAPE sa pagpapaere ng Eat Bulaga para mapalitan na daw umano ng Showtime na kasalukuyan na din na ume-ere sa GTV na pagmamay-ari din ng GMA7.



 





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma