Matapos Magdemanda Ang TVJ, Nagsalita Na Rin Ang Kampo Ng Mga Jalosjos na may-ari ng TAPE Inc.

 


Pamunuan ng TAPE incorporated nagsalita na hinggil sa inihaing demanda nina Tito, Vic at Joey sa korte, hinggil sa pag-aagawan issue nila sa Eat Bulaga.


Sa ngayon nga ay maslumaki pa ang issue ng pag-aagawan ng dalawang panig sa titulong Eat Bulaga dahil sa ngayon nga ay nadamay na ang GMA network sa issue na ito ng TVJ at ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos.


Kahapon nga July 12 ay pormal ng edinemanda ng TVJ ang TAPE incorporated kasama ang GMA networks.


Ang isinampang kaso ng TVJ sa korte ay Copyright in Frinchment at unfair Competition, dahil sa patuloy na paggamit ng TAPE incorporated sa Titulong Eat Bulaga.


Dahil hindi naman daw ito pagmamay-ari ng TAPE incorporated, sa puntong ito nga ay pinapanindigan ng TVJ na sa kanila dapat mapunta ang karapatan sa paggamit ng titulong Eat Bulaga dahil mismong si Joey De Leon raw ang gumawa ng titulo na ito.


Sabi pa ng TVJ na dinaya daw sila ng mga Jalosjos dahil ipinarehistro ng mga Jalosjos ang Eat Bulaga na hindi nagpapaalam sa kanila.


Dagdag pa nila na reklamo ay ang pagpapalabas daw ng TAPE incorporated ng mga Review episodes ng Eat Bulaga na hindi rin nagpapaalam sa kanila at nirereplay daw umano ng TAPE ang mga naturang episode na ipinapalabas nila sa GMA7.


Dahil ayon nga sa kanila ay hindi raw ito nararapat dahil sa kanila daw mismo ang content at tanging producer lang ang papel ng TAPE incoporated na nagfifinance lamang sa kanila.


Samantala, nagsalita na din ang kampo ng mga Jalosjos ukol dito, sa pamamagitan ng kanilang legal council na si Atty. Maggie Abraham Garduque.


Ayon kay Maggie na ang mga Jalosjos na may-ari ng TAPE ay ang tunay na may-ari ng Titulong Eat Bulaga, Dahil sa in-acknowlegde mismo ng Intellectual Property Office na ang mga Jalosjos ang prio-registered ng Titulong Eat Bulaga.


Ito ay dahil sa nauna umano ang mga Jalosjos na nag registered para sa Trademark nito na nangyari umano ito noong taong 2011.


Samantalang ang kampo ng TVJ sapamamagitan ni Joey De Leon ay kakafile lamang ng Ownership ng naturang titulo.


Na ginawa lamang nitong taon February 27, 2023 at March 22,2023. At matapos daw umanong malaman ni John Jalosjos ito na CEO ng TAPE incorporated ay kaagad daw siyang humingi ng patunay na sakanila ang titulong Eat Bulaga na umere na ng 44 years.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma