Regine Velasquez, Aminadong Tapos Na Ang Kasikatan Bilang Singer!....

 


Sa isang exclusive na panayam kay Regine Velasquez ay inamin niya na tapos na ang kanyang kasikatan, bilang isang mang-aawit.


Aniya sa panayam ni Ganiel Krishnan, "Ako naman parang alam ko na man na meron naman mas magagaling, it's no longer my time." Ito nga ang kanyang mga naging sinabi ng mapag-usapan nila ang kanyang career sa munda ng showbiz.


Sa nasabing interview nga niya ay ikinuwento niya ang kanyang mga pinag-daanan bago niya naabot ang kung anung mayroon siya ngayon.


Pagbabahagi nga ng tinaguriang the Asia's Song Bird na si Regine Velasquez ay limang taong gulang pa lamang daw siya ng pinangarap niyang maging isang magaling at mahusay na mang-aawit pagdating ng panahon.


Nagsimula daw siyang mangarap ng siya ay palakpakan ng mga manonood sa ibabaw ng intablado, matapos ang kanyang pag-awit.


Pagbabahagi ni Regine, "I was so small, ang taas-taas ng stage, tapos after ko kumanta pinalakpakan nila ako. From that time on sabi ko, I wanna do this the rest of my life."


Mula daw noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang pangrap hanggang sa narating na nga niya ang kanyang pinapangarap noon, at kung ano ang kanyang tinatamasa ngayon.


Pagbabalik tanaw pa niya, noong 1984 daw ng siya at tuloyang makilala, ng siya ay manalo sa isang talent show na Ang Bagong Kampeon.


Gayun paman mahirap daw para sa kanya na makapasok sa industriya dahil sa hindi raw umano siya kagandahan.


Kuwento pa niya, "Sabi sa manager ko, naku hindi yan sisikat. Oo magaling siyang kumanta pero hindi siya kagandahan."


Ngunit na kahit na nga ganun ang mga komento ng ibang tao para sa kanya, ay pinatunayan niya na karapatdapat siyang makapasok sa industriya ng musika at pagkanta.


Kaya talaga namang hindi maitatanggi na isa siya sa kilalang mang-aawit sa bansa dahil na rin sa kanyang pagpuporsige at sa galing umawit.


Ngunit ngayon ay aminado siyang tila tapos na daw ang kanyang karera sa pag-awit dahil nga sa dami ng mga nagsilabasang mahuhusay na mang-aawit ngayon sa industriya.









Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma