Isang malungkot na balita, ang Star Patrol na si Mario Dumaual Pumanaw na. Ito ang ipinaalam ng isa sa mga kaibigan ni Mario sa industriya ng showbiz na si Wilbert Tolentino sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang Facebook account.
Sa nasabing facebook post ni Wilbert Tolentino ay sinabi niya na sobra siyang nalulungkot sa pagkawala ng star patrol na si Mario Dumaual na maituturing na isa sa mga haligi ng Entertainment Jurnalism sa Bansa.
Pinasalamatan din ni Wilbert Tolentino ang namayapang si Mario Dumaual sa mga ginawang pagcover nito sa pageant stories ng kanyang alagang si Herlene Budol.
Narito naman ang kabuohan ng kanyang naging post tungkol sa pagpanaw ni Mario Dumaual, "I am very saddened with the passing of one of the pillars in entertainment journalism in the country, Tito Mario Dumaual."
"Thank you for the coverage of every pageant stories related to me and to my queens and kings, many times. From my pageant journey to Mr. Gay World Philippines and my Herlene’s journey to Bb. Pilipinas. 🙏❤️😘"
#RestInParadise #restinpeace #RIP #mariodumawal— with Mario Dumaual and 3 others.
Kung matatandaan na nauna nang ibinalita ng mismong anak ni Mario Dumaual na si Jose Miguel Dumaual na na hospital ang kanyang ama noong nakaraang buwan June 18, 2023.
Ito ay para humingi ng dasal para sa paggaling ng kanyang ama mula sa pagkakaratay sa hospital.
Ayon mismo kay Miguel Dumaual na dumanas umano ng atake sa puso ang kanyang ama, at naging kritikal na nga ang lagay nito kaya mula noon ay nanatili na sa ICU ang kanyang ama.
Naka Isolated din ang kanyang ama kaya hindi nila ito makasama sa Hospital Room, nakakausap lang daw nila ito sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone.
Ayon pa sa kanya na sobrang apektado daw siya sa nangyari sa kanyang ama dahil sa edad niya daw ngayon na 32 years old ay ngayon lang niya nakita ang kanyang ama na nakaratay sa hospital.
Kaya mula daw noong araw na iyun ay hindi na siya nag-uupdate patungkol sa kalagayan ng kanyang ama, at ipinagpapatuloy nalang niya ang paghingi ng dasal sa mga taong nakakakilala sa kanyang ama at maging sa hindi nakakakilala.
Sa ngayon ay nagpapasalamat ang kanilang pamilya sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay sa kanila.
.