Viral na viral ngayon sa social media ang milyon-milyong kinita ng E.A.T. sa unang araw palang ng kanilang episode na umabot nga ito sa 500 milyon na sobrang ikinatuwa ng TVJ at ng mga original Dabarkads host.
Marai namang mga netizens ang humanga sa at napabilib sa TVJ, dahil iba talaga ang TVJ pagdating sa karisma o sa kasikatan hindi parin talaga nalalaos at patuloy pang namamayagpag sa industriya ang tinaguriang iconic trio ng bansa.
Samantala, kung ang show ng TVJ ay humahakot nga napakaraming mga sponsors ay kabaliktaran naman ang nangyayari ngayon sa dati nilang tahanan na Eat Bulaga ng TAPE incorporated na pagmamay-ari ng mga Jalosjos.
Ayon kasi sa aming nasagab na impormasyon ay unti-unti na nga itong bumabagsak, at sobrang saya naman ngayon ng mga legit Dabarkads dahil sa sila ang nangunguna ngayon pagdating sa lahat ng noontime show.
Masaya naman ibinagi ni Joey De Leon ang tagumpay ng kanilang pilot episode ng kanilang show sa TV5 na E.A.T. at proud nga niya na ibinahagi sa kanyang mga follower ang kanilang mga nahakot na manonood na umabot na nga sa mahigit sa 500 million views sa iba't ibang social media flatforms.
Ayon pa sa kanya na hindi umano nasukat sa laki ng studio ang naging pagtanggap ng mga manonood sa kanila sa unang araw ng kanilang show.
Samantala, maugong naman ang balitang magtatapos na ang Eat Bulaga at isang linggo na lang daw ang ibinigay na palugit sa kanila dahil umano sa kakulangan ng mga advertisers at sa laki na daw umano ng lugi ng TAPE o ng mga Jalosjos.
Ano na lamang daw ang iuupa ng TAPE kung nalulugi na sila dahil sa kawalan ng mga advertisers.
Ayon pa sa ibang mga balita na mayroon naman daw sanang maykakayahan na humakot ng mga advertisers na mga host at talagang kayang itaguyod ng maayos at pagandahin pa ang Eat Bulaga kaso ayaw raw ng mga ito na lumaban sa TVJ.