Vice Ganda BINANATAN Si Cristy Fermin Gamit Ang ISANG Contestant Sa It's Showtime!

 


Mukhang naisahan ni Vice Ganda, ang tinaguriang Unkabogable star, ang kanyang pinakamatinding kritiko na si Cristy Fermin. Naganap ito sa isang episode ng "It's Showtime" kung saan may isang kalahok na nagngangalang Cristy. Sa segment na "Mechus Mechus" ng nasabing palabas, hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na magbigay ng patutsada kay Cristy Fermin gamit ang pangalan ng contestant.

Binati ni Vice Ganda ang kalahok na si Cristy sa paraang tila may halong panunuya, "Kamusta ka, Cristy? Anong ginagawa mo ngayon, Cristy, maliban sa paggawa ng mga kasinungalingan?"

Ang pahayag na ito ay nagdulot ng malakas na reaksiyon mula sa mga manonood, na naghiyaw sa sinabi ni Vice. Pati ang kasamahan niyang host na si Vhong Navarro, ay hindi maikubli ang kanyang reaksiyon sa nangyari. Kilala sa madlang people na si Cristy Fermin ay isa sa mga pangunahing kritiko ni Vice Ganda sa industriya ng showbiz.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma